Lakers nilamog ng Rockets

Apat na sunod-sunod na talo ang nalasap ng defending champion Los Angeles Lakers matapos silang tambakan ng Houston Rockets, 109-99.

Umiskor si Kevin Martin ng 22 points at 11 points naman ang idinagdag ni Shane Battier para malagpasan ang 27 points ni Lakers’ main man Kobe Bryant.

Una rito, tinalo rin kahapon ng Memphis Grizzlies ang Lakers, 98-96.

Kumana naman si Ray Allen ng limang 3 points sa panalo ng Boston Celtics laban sa Portland Trail Blazers 99-95, kahapon.

Ito na ang panglimang panalo ng Boston habang fifth straight loss naman ng Portland.

Si Al Horford naman ay kumamada ng 20 points sa ginawang pagdagit ng Atlanta Hawks sa Memphis Grizzlies, 112-109, habang tinulungan naman ng 24 points ni Jameer Nelson ang Orlando Magic para dominahin ang Chicago Bulls, 107-78.

Samantala, si Russell Westbrook ay tumipa ng 38-point, 15-rebound, at siyam na assists sa panalo ng Oklahoma City Thunder laban sa New Jersey Net. 123-120 kahit na wala si Kevin Durant.

Hindi rin pinaporma ng grupo si New Jersey Nets forward Stephen Graham  kung saan parating nahaharang ni Thunder guard James Harden ang bawat salaksak nito.

Kasabay nito, si Jeff Green naman ay sumikwat ng career-high 37 points habang nagpasabog ng 26-foot 3-pointer si Anthony Morrow.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply