Lakers pinadapa ng Bucks

Pinutol ng Milwaukee Bucks ang limang sunod na panalo ng NBA defending champion Los Angeles Lakers ng kanila itong tambakan, 98-79.

Si Earl Boykins ay umiskor ng 22 points at si John Salmons ay nagdagdag ng 20 points para sa Bucks na siyam na players lamang ang nasa active lineup dahil sa injury.

Si Kobe Bryant ay gumawa ng 21 points at si Pau Gasol ay nagtala ng 15 points at 11 rebounds.

Dinurog naman ng Dallas Mavericks ang Orlando Magic na kababangon pa lamang dahil sa injuries na inabot ng team.

Si Caron Butler ay kumana ng 20 points habang si Dirk Nowitzki ay kumamada ng 17 sa 105-99 victory ng Mavs laban sa Magic.

Samantala, si Earl Boykins ay humakot ng season-high 22 points na nagbigay ng panalo sa Milwaukee Bucks sa Los Angeles Lakers 98-79.

Si Kevin Durant ay tumipa ng 32 points na tumulak sa Oklahoma City Thunder tungo sa 99-81 win ng grupo sa Charlotte Bobcats habang ang Chicago Bulls ay pinatiklop ang Philadelphia 76ers sa iskor na 121-76.

Ang New Jersey Nets naman ay tinapos ang kanilang 10-game road losing streak matapos sikwatin ang 101-94 victory laban sa Memphis Grizzlies kahapon.

Tumipa si Brook Lopez ng 26 points habang si Sasha Vujacic ay nagdagdag ng season-high 16. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply