Lakers talo; Miami Celtics nalo!

KUMAMADA si Tony Parker ng 23 points sa panalo ng San Antonio Spurs laban sa Los Angeles Lakers 97-82 kung saan hindi nakaporma si Kobe Bryant.

Si DeJuan Blair ay nakakana ng 17 points at 15 rebounds habang malaki rin ang naitulong nina Tim Duncan at Manu Ginobili.

Samantala, ang Boston Celtics ay nakabawi na naman nang gibain ang Indiana Pacers  sa pamamagitan ng 95-83 victory.

“We just kept playing defense,” ayon kay Celtics coach Doc Rivers.

“Then all of a sudden, our shots started falling and our defense stayed.”

Nagpakitang gilas na rin ang Miami Heat sa tulong nina Dwyane Wade, LeBron James at Chris Bosh at iba pang playmakers nang padapain ang New York Knicks 106-98 habang tinalo rin ng Orlando Magic sa sarili nitong bakuran ang Cleveland Cavaliers 110-95 kung saan nakatipa sila ng 19 3-pointers.

Kasabay nito, na-upset naman ng Toronto Raptors ang Dallas Mavericks sa iskor na 84-76 habang tinulugan ni Chauncey Billups ang Denver Nuggets sa paggiba sa Portland Trail Blazers 95-77.

Pinangunahan din nina Carlos Boozer at Derrick Rose ang Chicago Bulls sa pagpapahiya sa Milwaukee Bucks 90-77. Gilbert Perdes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply