Last-minute tips para sa holiday season

NAKAPAMILI ka na ba para sa mga pangregalo, mga sangkap sa iyong mga ihahandang pagkain ngayong holiday season?  Para sa ibang sobrang busy ang schedules, marahil halos wala nang panahon na mag-shopping.

Pero may dalawang araw pa para mag-last minute shopping.  Maging maingat lamang dahil talamak ang snatchers, mga manloloko at iba pang masasamang loob na nagkalat sa malls, tiangge, sa Divisoria, Baclaran, Greenhills Shopping malls at iba pang gaya nito.  May kaniya-kaniya silang gimmick o istilo ng panggagansto.

Ipinapayo ng ating kapulisan na hangga’t maaari ay gawin sa umaga ang pagsa-shopping dahil hindi pa ma-traffic at hindi pa matindi ang sikat ng araw.

Iwasan ang magsuot ng alahas dahil takaw hablot ito sa snatchers; magdala ng sapat na pera lamang na kakailanganin sa pamimili; gumawa ng listahan ng mga bibilhin; maaaring mag-surf muna sa internet kung saan ang pinakamalapit na mall, grocery o iba pang tindahan na kinaroroonan ng inyong balak na bilhin.

Maging listo laban sa ipit sukli gan.  Laganap ito sa Divisoria, Baclaran at iba pang lugar na dinarayo ng mga mamimili dahil sa bargain sales.  Iaabot sa iyo ang sukli ng kulang at kapag binilang mo sa harapan ng tindero, kukunin niya ulit at bibilangin.  Sa pag-aakala mong tama na ang sukli dahil binilang ito sa harap mo di mo mamalayan na nakupit na nito sa ilalim ng kaniyang kamay ang iba pang pera.

Uso na rin ngayon ang palit-grocery gang.  Sasamantalahin ng mga manggagantso ang paglapag mo ng iyong bag of groceries habang nagpi-fill-up ka ng cupons sa mga promo.  Biglang may lalapit at magkukunwaring sasali din sa promo at biglang dadamputin ang bag of groceries mo at iiwan ang kaniya.  Magugulat ka na lang dahil puro bato at basura ang laman ng naiwan sa iyo.

Iwas paputok

Siguro masakit na sa pandinig natin ang paulit-ulit na paalala hinggil sa pag-iwas sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa kapaskuhan at bagong taon.

Pero para sa Department of Health (DOH), bagama’t hindi uubra ang 100 porsyentong pagbabawal sa paggamit ng mga paputok dahil naging tradisyunal na ito, umapila si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na gawing sama-sama o communal ang pagdiriwang.

Mas makatitipid kung pagsasama-samahin ang konting pera sa barangay o komunidad para ibili ng fireworks at idaos ang pagpapailaw o pagpapaputok sa isang lugar gaya ng sa plasa o parke.  Sa ganito aniya, mababawasan ang pagpapaputok sa bahay na kadalasang sanhi ng sunog at iba pang pinsala.

“We have to direct our cultural practice to make New Year revelries safer,” ayon kay Ona sa maagang paglulunsad ng kampanya laban sa Iwas-paputok nitong Nobyembre.

Batay sa talaan ng DOH, tumaas ng 41 porsyento ang mga nasugatan sa paputok noong 2009 kumpara noong 2008 kung saan mula sa dating 733 firecracker injuries, umakyat ito sa 1,036.

Inihayag ni Ona na mahigit 50 porsyento ng mga nasusugatan sa paputok ay mga batang nasa edad 10 pababa at sumusunod dito ang mga kabataan namang nasa edad 10 hanggang 20 taong gulang.

Legarda sa mga Pinoy:  Maging matipid, eco-friendly at huwag maghanda ng labis

Sa gitna ng milyung Pinoy na nagdiriwang ng Kaspaskuhan, hinikayat ni Sen. Loren Legarda ang bawat isa na maging concern sa kapaligiran.  Hindi aniya rason ang holiday season para samantalahin ang pagkakalat at matambak ang bulto-bultong basura.

“Every holiday season, from the abundance of gifts and food we exchange, we also generate heaps of trash from leftovers, gift wrappers, containers and utensils. At a time when our environment has become more fragile, as we feel in the impacts of climate change, it is best if we practice being thrifty and eco-friendly,” she said.

“We should refrain from preparing an excessive amount of food or getting more than what we can consume to avoid wastage. Instead of using disposable food ware we can just use our washable plates and regular cutlery. We can also recycle the wrappers, boxes and ribbons from gifts that we receive. These are just simple acts, which if we practice would be a great gift to Mother Earth,” giit ni Legarda.

Suportado din ng mambabatas ang panawagan ng EcoWaste Coalition ang paggamit ng dahon ng saging sa mga paltong gawa sa kawayan sa halip na gumamit ng ‘polystyrene plastic’ o  Styrofoam para mabawasan ang basura mula sa plastic.

Tinukoy pa nito na nakapagtala ang grupo nitong Nobyembre ng basura mula sa  Manila Bay na umabot sa 75.55 porsiyento na nakolekta mula sa plastic.  Mula dito ay 20.47 porsyento ay polystyrene plastic.

Ipinakita din aniya mula sa talaan ng National Solid Waste Management Commission na ang bawat indibiduwal ay nakapagge-generate ng 0.7 kilo ng basura kada araw at tumataas ito sa 1.2 kilos sa panahon ng holiday season.

“There’s nothing wrong with enjoying the season through grand celebrations, but if we want to enjoy our future holidays, too, we have to be mindful of the effects of our actions. In the end, what happens to our environment will ultimately affect us, too,” Legarda stressed. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply