Lauro Vizconde, nagpatawad na

IBINIGAY na ni Lauro Vizconde ang pagpapatawad sa mga pumatay sa kaniyang mag-iina noong noong Hunyo 29, 1991.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Vizconde na simula pa noong 1995 ay napatawad na niya ang mga pumaslang sa kaniyang asawang si Estrelita at mga anak na sina Carmela at Jennifer.

At hinahangad na lamang umano niya ngayon ay ang pagkakamit ng hustisya  sa kanilang pagkamatay.

Tanggap na aniya niya ang mga nangyari at ipinapasa-Diyos na lamang niya ang lahat.

Sinabi ni Vizconde na handa na siya sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa Vizconde massacre case bagama’t umaasa siya na anuman ang maging desisyon ay batay sa mga ebidensya sa kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply