Lebron, Wade, Bosh humahataw na!

ITINIPA  kahapon ng Miami Heat ang kanilang pang-limang sunod na panalo kontra Milwaukee Bucks, 88-78, palatandaan na humahataw na ang tinaguriang Big-3 o ang team-up ng tatlong itinuturing na pinakamagaling na manlalaro ng National Basketball Association   — Lebron James, Dwayne Wade at Chris Bosh.

Nanguna si Wade  para sa Miami sa kanyang 25 points, 15 rebounds at 5 assists, samantalang si 2-time MVP Lebron James ay may 17 points, 6 rebounds at 6 assists at si Chris Bosh ay nag-ambag ng 16 points at 12 rebounds.

Dahil sa kanilang sunod-sunod na panalo, nasa pangatlong pwesto na ngayon ang Heat sa Eastern Conference ng NBA.
Sa ibang laro, nakuha ng New York Knicks ang kanilang ika-limang sunod na panalo ng pataubin ang Minnesota Timberwolves, 121-114.

Muling nanguna si Amare Stoudemire na nakapagtala ng 34 points at 5 rebounds, si Wilson Chandler ay nagdagdag ng 21 points at si Raymond Felton ay gumawa ng 18 points at 11 assists para sa Knicks na nanalo ng 10 sa kanilang huling 11 laro.

Samantala, pitong players ng Indiana Pacers ang nagtala ng double figure sa scoring ng kanilang tambakan ang Toronto Raptors, 124-100.

Si Brandos Rush ay umiskor ng season-high 26 points, samantalang si Danny Granger ay nag-ambag ng 21 points, 9 rebounds at 5 assists para sa Indiana.

Nanguna naman para sa Raptors si Jose Calderon na nagtala ng 21 points at 4 assists.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply