Little sinibak sa RP Patriots

Nangangapa ang Philippine Patriots ng bagong import na ipapalit kay Donald Little sa mga susunod na laro sa Air Asia Asean Basketball League.

Tanging si Rashiem Wright ang nanatili sa koponan nang tapusin ng Patriots management at coaching staff ang playing contract ng 6-foot-10 na dating US NCAA Division 1 player dahil sa hindi magandang pagpapakita ng sigasig sa laro partikular ang laban kontra Westports Kuala Lumpur Dragons na ginanap sa Kuala Lumpur na kung saan nakuha ng mga Pinoy dribblers ang pangatlong pagkatalo, 81-96.

Bunga ng ikatlong pagkatalo, bumagsak sa ikalawang puwesto ang defending champions Patriots kasunod ng Chang Thailand Slammers na nasa ibabaw ng 6-team composition tangan ang 7-2 slate.

Umaasa si team manager Erick Arejola na makakakuha ng makahahalili ang coaching staff para sa laro ng Patriots laban sa Satria Muda Britama sa Jakarta bukas.

Umaasa ang mga team owners na sina Mikee Romero at Businessman Tony Boy Cojuangco na makakakuha ng mahusay na kahalili kay Little kasunod ng paghahanap para maidepensa ng Patriots ang korona. Radito Torres

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply