Lotteng sa QC walang tigil

SA Quezon City, hindi matinag-tinag kay PNP chief Gen. Raul Bacalzo ang mga iligalistang tulad nina Ver Bicol, Rolex 88, Boyet Kalabaw (katukayo ko pa) at Lito Motor.

Ang apat na ito ang “utak” sa iligal na lotteng na labis na kinagigiliwan at kinahuhumalingan ng mga constituents nina QC Mayor Herbert Bautista at House Speaker Sonny Belmonte.

Para sa inyong kaalaman, malakas ang tayaan sa lotteng. Mapa-iskuwater man o hindi ay mistulang adik na sa sugal na ito.

Kaya kung nagkakamal ng sandamukal na salapi itong sina Lito Motor, Boyet Kalabaw, Rolex 88 at Ver Bicol sa araw-araw na pa-lotteng nila sa QC, tiyak ko na gayundin ang mga lokal na awtoridad at iba pang law enforcement agencies na naka-base sa lungsod ni Mayor Bistek.

‘Yan ay sa pamamagitan ng “tong-pats” na walang patid na ipinamumudmod ng apat na iligalista kada linggo sa mga magigiting na pulis diyan sa QC.Base ‘yan sa impormasyon na ibinigay sa atin, lahat na yata ng istasyon ng Quezon City Police District (QCPD) ay may tinatanggap na “lagay” mula sa mga lotteng lord na binanggit ko. Mantakin n’yo!Kasama na rin siyempre sa lagayan ang sangkaterbang operating units ng CIDG-Camp Crame at maging ang ilang tulisan diyan sa Department of Interior and Local Government (DILG) office ni Sec. Jesse Robredo.Gusto ko nang maniwala na may “basbas” mula kay Mayor Bistek ang apat na lotteng lords dahil ayon sa impormante ko, isang “little mayor” daw ang tumatanggap ng P100,000 kada linggo mula sa grupo ng mga iligalista.

Anong silbi ng mga kagalang-galang na mga konsehal ng lungsod?  Nagtatanong lang naman!

Puwede n’yo rin kasing kilusan ang problema n’yo sa illegal gambling sa pamamagitan ng isang mabagsik na resolusyon ng konseho.‘Yan ay kung wala kayong tinatanggap mula sa mga gambling lord, di ba?

oOo

Kung may kumukolekta ng daang-libo para sa tanggapan ni Mayor Bistek, tumataginting na halagang P40,000 naman ang kinukuha ng isang pulis-koronel kada linggo para daw sa tanggapan ng QCPD director.Tsk, tsk, tsk! Dahil daw dito, awtomatik din ang “lagay” para sa iba’t ibang unit ng QCPD tulad ng DIID, CIDU, DIOU, DMF, SIAS at maging ang Mobile Unit. Ang resulta, “panatag” ang operasyon ng lotteng sa QC. Kung meron mang manghuhuli ay tiyak na ititimbre kaagad sa tanggapan ng mga iligalista. Sa katunayan, may mga pulis na kasama itong sina Ver Bicol, Boyet Kalabaw, Rolex 88 at Lito Motor sa operasyon nila ng lotteng sa buong QC.

Hindi pa sila nakuntento sa lawak ng QC. Tumalon pa sila sa ibang karatig lungsod. Paksa natin ‘yan sa susunod.Kaya sa lawak ng operasyon nila, ayon sa impormante ko, nakumbinsi nila sa “tong-pats” ang CIDG-NCR at ang field office nito sa Camp Karingal. Maging ang Napolcom, NCRPO at NBI. Huwag na nating isa-isahin pa kung magkano kada unit ang gastusan dahil milyunan ang halaga ng “tong-pats” na pinagkakaloob nina Boyet Kalabaw, Ver Bicol, Rolex 88 at Lito Motor kada buwan sa ating mga awtoridad.

Pero magkaganito man, naniniwala pa rin ako na kayang-kayang patigilin ni Speaker Belmonte ang lotteng operations sa QC nina Kalabaw, Bicol, Motor at Rolex. Mapuwera lang kung pati ang tanggapan niya at ng iba pang mga kongresista ng lungsod ay tumatanggap din ng suhol mula sa apat na lotteng lords na ito! Teka muna, meron nga po ba?

Sa susunod, ang video karera naman sa QC nina Renel at Dakne!

oOo

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0927-9117770 o e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply