Lovi Poe, malapit nang maging superstar

IISA lang talaga ang direksyon ng career ni Lovi Poe. With the guidance of her manager, Leo Dominguez, malinaw kung saan nga talaga patungo kanyang career.

Yes, Lovi is headed for superstardom, basta lang pangatawanan niyang nasa sideline lang ang tungkol sa pag-ibig.

Kahit na may kakulitan ang mga isyu sa kanila ng sinasabing real life boyfriend nitong si Congressman Ronald Singson, Lovie reiterates na nasa sideline lang ang lahat tungkol dito.

Hero na nga, dumating yung isa sa biggest breaks ni Lovi sa showbiz. Excited na siya na leading lady siya ni Richard Gutierrez sa upcoming Valentines movie nito ngayong February.

“Sino naman po ang hindi magkaka-crush kay Richard? Bukod sa sobrang guwapo na, napakabait pa. Saka kapag kilala mo siya at nakakasama,super maasikaso. For me, he’s a true gentleman,” sabi ni Lovi.

Sobrang tuwa nga raw ng young actress-singer nang kunin siya ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films para maging isa sa apat na leading ladies ni Richard sa Valentine movie na Suddenly It’s Magic.

“Nang sabihin sa akin ni Tito Leo (Dominguez, her manager) ang tungkol sa Suddenly It’s Magic, tuwang-tuwa ako.

“Na-excite talaga ako. Hindi biro na maging isa sa leading ladies ni Richard. It’s a dream come true.

Finally, magiging leading lady na ako ni Richard. Excited na ako!” tipong kinikilig na pahayag pa ni Lovi.

Ngayon pa nga lang daw, pinaghahandaan na niya ang episode nila ni Richard sa trilogy na Suddenly It’s Magic, kung saan ay ka-triangle nila si Solenn Heussaff.

“Solenn is so nice, kaya excited din akong makasama siya. Saka okay kami at iisa ang manager namin.

“I’m sure, like me ay sabik na ring umarte si Solenn dahil si Richard ang leading man namin,” sabi pa ni Lovi.        “Pinaghahandaan ko na nga po ang pagsisimula ng shooting namin.” Samantala, kapipirma lang ni Lovi ng endorsement contract sa Belo Medical Group at malamang early next year, ilulunsad na ang billboards niya para sa nasabing beauty clinic.

Bukod dito, nominado si Lovi bilang best actress sa Famas Awards para sa pelikulang Sagrada Familia.

“Maganda ang taong 2010 sa akin. Sana nga, mas marami pang magagandang bagay ang naghihintay sa akin sa 2011,” dagdag ng dalaga.

Ang afternoon soap drama naman niya sa GMA-7 na Little Star, kung saan kasama niya si Jennylyn Mercado, ay patuloy na tumataas ang ratings at marami ang nakapapansin sa very daring role niya sa serye.

Siyanga pala, bukod sa Suddently It’s Magic, nakatakda ring gawin ni Lovi ang remake ng pelikulang Temptation Island sa Regal. Cesar Pambid

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply