Low pressure area namataan

NAMATAAN ang isang low pressure area (LPA) sa layong 90 kilometro sa Silangan ng Borongan, Eastern Samar banding 2:00 ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ng maulap na papawirin ang Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog, at magiging maulap naman na may mga pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Palawan.

Posibleng magdulot ito ng mga biglaang pagbaha at landslides. Magiging maulap ang natitirang bahagi ng Luzon na may mga bahagyang pag-ulan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply