LRT, MRT fare hike sinuspinde

PINIGIL pansamantala ang pagpapatupad ng fare hike sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na hindi muna itataas ang pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit sa buwan ng Enero 2011.

Ayon kay DoTC Undersecretary Dante Velasco, idadaan pa sa deliberasyon ng LRTA Board ang anumang pagtataas sa pasahe sa mass transit.

Bukod dito, kailangan din isailalim sa “public hearing” ang anumang halaga ng pagtaas sa lahat ng sektor sa transportasyon upang hindi magkaroon ng kalituhan at reklamo.

Matatandaan na sinabi ni Transportation Secretary Jose ‘Ping’ de Jesus nitong  nakaraang Martes na posible bulagain ng bagong halaga sa pasahe ang mga sumasakay sa LRT at MRT sa Enero, kasabay ng pagsasabing hindi naman magiging mabigat para sa mga mananakay ang halaga ng pagtaas.

Tinatayang mula sa P18 na minimum fare ay tataas ang pasahe sa LRT at MRT ng hanggang P30. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply