Luis Manzano, ayaw sa bansag na playboy

TUTOL na tutol pala si Luis Manzano sa bansag sa kanya na playboy. Ang pagiging babaero raw kasi ng actor ang dahilan kaya wala pa rin itong girlfriend or hindi nagiging successful ang relationship.

Ayon kay Luis, isang sumpa raw sa kanilang angkan ang image na playboy dahil hindi naman raw ito totoo.

Kaya naman ganoon na lang ang pasalamat niya kay Kris Aquino na palagi raw siyang ipinagtatanggol. Sabi raw ni Kris, si Luis ang tipo ng lalake na puwedeng pagkatiwalaan.

This coming year ini-expect ni Luis na magkaka-girlfriend na siya at malabo na raw sila magkabalikan ni Angel Locsin.

Na-miss raw niya si Angel noong Pasko at wala siyang masabing masama sa ex-girlfriend dahil talaga raw sobrang bait na tao.

Gustuhin man raw niyang makasama si Angel ngayong Pasko ay di na mangyayari dahil magkaiba na sila ng landas.

Samantalang itinanggi ni Luis ang tsismis sa kanila ni Maricar Reyes. Weird daw ang tsismis dahil wala raw talagang basehan. Nag-sorry na raw siya kay Maricar nang magkita sila sa Star Magic Ball.

Sa ngayon ay busy si Luis sa movie nila ni Anne Curtiz na “Who`s That Girl” under Viva Films.

Sa shooting ay panay raw ang biro ni Luis kay Anne na kaya nitong bigyan ng magagandang anak ang actress kung papayag lang ito.

Pinaalalahan raw tuloy ni Anne si Luis kung dumating ang panahon na muling mabuhay ang kanilang pagmamahalan at sa panahon yun ay pareho silang libre ay sa kasal na raw kaagad ang tuloy nila.

****

Shalala, pinatawad na ni John Lapus

SA TAPING na rin ng Show Me Da Manny nakatsikahan namin si John Lapus at ayon sa TV host/actor ay nagkaayos na raw sila ni Shalala.

Isang kaibigan raw nila ang namagitan at nag-sorry na sa kanya si Shalala bago pa sumapit ang Pasko at tinanggap naman raw niya ang paghingi nito ng sorry.

Sabi ni “Sweet” sumama lang raw ang loob niya kay Shalala dahil sa blind item na gawa-gawa lang niya para lang may maibigay siya sa kanyang TV show.

Ang masama pa raw doon ay pati pamilya niya ay naapektuhan sa blind item ni Shalala na hindi naman raw totoo.

“Ano ba naman ‘yung tawagan niya ako. Alam naman niya ang number ko. Kasi ang pangit ng pagkaka-blind item niya. Halatang imbento na. Doon na ako naimbiyerna sa kanya,” say ni Sweet.

Sa blind item raw ni Shalala ay tungkol sa paggastos ni Sweet sa debut ng pamangkin nito kamakailan. Ni-require raw ni Sweet na lahat ng bisita na dadalo sa debut ay sakay ng magaganda at mamahaling kotse.

“Doon ako nagalit kasi debut ‘yun ng pamangkin na matagal kong pinag-ipunan. Tapos gagawan niya ng ganoong klaseng balita? Ano `yon? Para lang may maibigay kang blind item at the expense ng mga taong nanahimik?”

****

Bago mag-Pasko ay nagawa pang mag-taping ng “Show Me Da Manny” at pagdating ng gabi ay nag-celebrate na sila ng Christmas Party na ginanap sa Timog-Morato.

Hindi nakarating si Congressman Manny Pacquiao na love interest ni Marian Rivera sa SMDM na napapanood every Sunday sa GMA 7 kasama ang iba pang cast na sina Lovi Poe, Rochelle Pangilinan, Paolo Contis, Benjie Paraz, Pekto atbp ay hindi naman binigo ni Pacman ang mga kasamang artista at production staff ng sitcom dahil inutusan niya ang kanyang staff na si Jojo na magdala ng isang milyong piso para ipa-raffle para sa lahat ng naturang sitcom.

Kahit bihira nang makapag-taping si Manny Pacquiao sa Show Me Da Manny ay ipinaglalaban niya ang programa na hindi mawala sa ere dahil napalapit na ito sa kanyang puso. Isang pamilya na kasi ang samahan nila na laging nagsusuportahan sa isa`t-isa.

Hanggang ngayon ay may nagtatanong kung seryoso raw ba si Ai Ai delas Alas nang sabihin na gusto nitong manalong Best Actress sa pagkakaganap niya sa TAnging Ina, Last Na `To under Star Cinema.

Ayon sa mga kapwa nating reporter na nakapanood ng movie ni Ai Ai, pang-award winning daw talaga ang performance ng komedyante.

Lutang na lutang raw ang kahusayan nito sa pagpapatawa at pagpapaiyak. Isang matunog na malalakas na palakpak nga raw ang isinukli ng mga ito sa kanyang performance.

Tinodo na raw talaga ni Ai Ai ang performance niya sa movie. Si Ai Ai lang daw ang artista kasali sa MMFFP ang nakagawa ng matapos ang isang eksena nakakaiyak biglang babanat ng nakakatawang linya.

Kaya, ayun, nakamit niya ang inaasam-asam niya dahil naging Best Actress siya. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply