Luistro kumpirmado ng CA sa DepEd

KUMPIRMADO na ang pagkakaluklok sa pwesto ni DepEd Sec. Arman Luistro matapos kumpirmahin ng makapangyarihang Commission on Appointments sa plenaryo nitong Miyerkules.

Walang anuman o sinomang kumontra sa kumpirmasyon ni Luistro hindi katulad nuong nakaraang dinidinig pa lamang sa komite.

Inendorso ni Sendor Edgardo Angara , chairman ng CA committee on education ang naturang kumpirmasyon at nagwikang hanga siya sa pamumuno ni Luistro na hindi lamang pang-lokal na kalidad kundi pang-daigdigang katangian sa pagiging lider.

Umayon din sa nasabing kumpirmasyon ng secretary ay ang mga senador na sina Ralph Recto at Jinggoy Estrada  at maging si Paranaque Congressman Roilo Golez.

Dali-dali namang umaksyon si Nueva Ecija Representative Rodolfo Antonio para sa aktual na pagkumpirma kay Luistro.

Nauna ng kinontra ang kumpirmasyon ni Luistro ni Sen. Miriam Defensor Santiago na nagbago rin ng pananaw kamakailan. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply