Lumang pera, 3 to5 years na lang tatagal

TATLO hanggang limang taon na lamang maaaring gamitin ang mga lumang perang papel na nasa sirkulasyon ngayon kasunod ng pagpapalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga bagong bank notes kahapon.

Batay sa panayam kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo sa dzMM, sa susunod na tatlo hanggang limang taon ay pababayaan nang masira ng BSP ang mga lumang perang papel.

Ayon pa kay Guinigundo, kasabay na mapapawalang-bisa ang mga nakaimbak na pera na ilegal na kinamal o ginamit sa mga ilegal na transaksyon o gawain.

Nilinaw din ni Guinigundo na ngayon magsisimula ang shipment ng mga bagong perang papel ng bansa na magsisimula sa Metro Manila saka ikakalat patungong mga lalawigan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply