Luzon 2 beses nilindol

NIYANIG ang Luzon ng dalawang magkahiwalay na lindol sa nakalipas na magdamag.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Earthquake Monitoring Division Science Research Specialist Joan Salcedo, unang naitala bandang 10:15 kagabi ang 4.0 magnitude na pagyanig sa Timog-Kanluran ng Batangas City habang sinundan naman ito ng 3.5 magnitude na pagyanig sa Hilagang Kanluran ng Laoag City bandang 3:15 ng madaling-araw.

Parehong sa karagatan naitala ang sentro ng pagyanig kaya hindi naramdaman ng mga residente sa lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply