Madaluyong City Hall nasunog

PANSAMANTALANG naantala ang operasyon sa city hall ng Mandaluyong nang masunog ang stock room ng engineering department kahapon ng umaga.

Nagsimula ang apoy dakong alas-10:45 ng umaga at tumagal lamang ng 15 minuto nang tuluyang naapula ng mga bumbero.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente dahil mabilis umanong nakalipat ang mga empleyado sa kabilang gusali ng city hall.

Ayon sa mga bumbero, mga blueprints ng mga proyekto ang kasama sa mga natupok ng apoy.

Sa inisyal na pagsusuri, posibleng short circuit o overload sa kuryente ang dahilan ng sunog. Ben Reyes

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply