Mag-ingat lahat sa mga gift bomb

MAG-INGAT at mag-ingat at mag-ingat sa mga inireregalo sa inyo.

Bago kayo tumanggap ng mga regalo, tiyakin muna ninyo kung bomba yan o hindi.

At hindi dapat ngayong Kapaskuhan lang kayo mag-ingat. Dapat sa buong taon.

Ang nakagagalit nang husto, mga Bro, ay kung sino ang dapat na magbukas ng regalo para lang matiyak na hindi bomba iyon. Hindi pupuwede kahit sino, kahit pa ang ating mga kasambahay.

Pupuwede namang tumawag sa mga pulis at militar para magpatulong.

Pero habang panahon na lang ba tayong magkakaroon ng ganitong
problema?

Baka darating ang araw na magsawa na lang ang mga militar at pulis sa kaaasiste sa atin.

Siguro, makatutulong, mga Bro, ang mahigpit na pagmamanman, pagkilala at pagdodokumento ng lahat ng mga regalo at naghahatid ng regalo bago tanggapin at buksan ang mga ito.

Sa mga subdibisyon,   condominium at iba pang lugar na may mga guwardiya, dapat na bigyan ng pagsasanay ang mga guard ukol sa usapin.

Dapat ding maging aktibo ang pulisya at iba pang awtoridad sa pagroronda sa paligid.

Pero paano ang mga regalong pinalulusot kahit sa mga guwardiya at mga sniffing dog?

Panawagan natin sa mga mambobomba, huwag naman kayong mawalan ng kaluluwa at maging malupit. Kung may galit kayo sa isang tao, komprontahin na lang ninyo o idemanda kaya.

Huwag daanin sa regalong bomba.

Hindi dapat na pagharian ang mga tahanan ng takot mula sa mga regalo.

Hindi dapat na pagkaitan ang mga nangangailangan ng regalo.

Kung hindi naman, eh, regaluhan na lang ninyo ang inyong mga sarili, ng bomba. Para matodas na lang kayo at hindi makapaminsala ng iba.

Kung may problema kayo, lhuwag na kayong mandamay. Ang dami-daming pison diyan na pupuwedeng pagpasagasaan ng sarili niyo o tren kaya.

Kung ayaw ninyo ang mapitpit at maputulan ng bahagi ng katawan sa pison at tren, doon na lang kayo sa dagat.

O magbigti na lang kayo at kahit kami na ang maglilibing sa inyo kahit saang sementeryo.

Ipagmimimisa pa namin kayo.

Partida yan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply