Magpantay, bigo sa World Junior

NALASAP ni Pinoy cue artist Jonas Magpantay ang ikalawang kabiguan kaya naman natapos na rin ang kampanya nito sa nagaganap na World Junior 9-Ball Championship sa Naples Ballroom ng Peppermill Hotel and Casino sa Reno, Nevada.

Yumuko ang 16 anyos na si Magpantay kay defending champion Ruslan Chinakhov ng Russia, 5-9 sa loser’s bracket.

Si Chinakhov na may jetlag pa sa kanyang pagkatalo kay Jesse Engel ng United States ay naka-ungos agad ng 8-0 kay Magpantay bago itarak ang 9-5 panalo.

Nabigo si Magpantay na ipagpatuloy ang winning streak matapos isablay ang dalawang easy shots at tatlong
dry breaks sa apat na sargo.

“Kinalaban ako ng bola,” wika ni Magpantay, na nanalo muna kay Danny Olson ng the United States, 9-4, bago kinalaban ang top seeded.

Medyo nabuhayan ng bahagya si Magpantay nang tumumbok ito ng limang sunod na panalo subalit hindi naging maganda ang sargo nito sa 1th rack kaya naka tumbok muli si Chinakhov.

Suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang kampanya ni Magpantay na tumapos sa fifth overall. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply