Magsasaka ‘mangangaroling’ sa CHR

HIHINGI ng limos at “mangangaroling” ang mga magsasaka mula sa Sariaya, Quezon sa Commission on Human Rights (CHR) sa pagtatangkang mabawi ang kanilang mga certificate of land ownership award (CLOAs).

Maliban dito, nakatakda ring magsumite ng reklamo sa CHR ang naturang grupo ng may 200 magsasaka laban sa Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay ng naturang isyu.

Sinabi ni Joann Fernandez, tagapagsalita ng grupong Katarungan,uumpisahan nila ang pagkilos sa pamamagitan ng pagmamartsa ng mga magsasaka mula sa tanggapan ng DAR patungo sa CHR para nga hilingin ang matagal na nilang minimithing CLOA.

Bukod dito,ipinapanawagan din ng grupo kay Pangulong Benigno Simeon“Noynoy” Aquino III na huwag nang palawigin pa ang implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program extension with reforms (CARPer) Law.

Binigyang-linaw ng grupo na sa halip na makatulong, hadlang pa sa karapatan ng mga magsasaka ang pagpapalawig sa CARPer Law.  Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply