‘Mahirap mag-aral kung gutom’—Sen. Villar

NANANATILING pabigat sa problema ng bansa ang malnutrisyon o kulang sa timbang.  Sa hirap ng buhay, sa mahal ng mga bilihin, kuntento na ang ilang magulang na maitawid ang gutom ng mga anak.  Hindi na mahalaga kung masustansiya ang inihahandang pagkain.

Sa mga pag-aaral ng mga kaukulang ahensiya hinggil sa tamang nutrisyon sa loob ng 10 taon, nasa 4 na milyong mga bata (pre-school) ang underweight at bansot sa kanilang edad.

Samantalang nasa 28 milyong Pinoy ang walang kakayahang bumili ng maayos na pagkain para matugunan ang kinakaila-ngang sustansiya ng katawan at iba pang pangunahing pangangailangan.

Dahil dito, bilang isang taong lumaki sa hirap, naniniwala si Sen. Manuel Villar na mahirap mag-aral kung walang laman ang sikmura. “Malnourishment remains rampant among Filipino children. It is really alarming.”

Sa kaniyang pagdiriwang ng ika-61 kaarawan, sa gitna  ng  busy schedule, minarapat nitong pangunahan ang pagsasagawa ng isang medical mission at feeding activities ng  Villar Foundation sa Holy Child Catholic School   Dito siya nagtapos ng kaniyang elementarya.

Samantala, umabot sa 750 mga bata at magulang ang na-biyayaan ng masustansiyang pagkain.

“It is only fitting to spend a part of my birthday activities here in Tondo as I was born and raised here in Moriones.  I am also pleased that Villar Foundation is actively helping Tondo through it’s programs. I will never forget my roots and I will always comeback here,” ani Villar.

“Hunger and poverty are really what keep children from going to school and completing their education.

Feeding programs are just stop-gap measures, but they do satisfy these children’s sustenance for the day.
That is until a long term solution is available to address widespread hunger in communities all over the country,” giit pa ni Villar.

APRIL SUNDAY, inspirasyon ni Mang Ramon

HINDI matawaran ng isang ama ng tahanan  (solo parent) ang kaniyang kaligayahan sa kabila ng dinaranas na hirap sa pag-aaruga sa 8 anak nito kasama ang isang may kapansanan.

Bagama’t nag-iisang itinataguyod ang pamilya, masaya siyang personal na   inaalagaan ang anak na si April Sunday Tan, 20, at isang cerebral palsy patient, matapos na iwanan ng ina ng siya’y nasa edad 6.

Nakilala ko ang mag-ama sa ikalawang araw ng denatal mission ni National Press Club Director Mina Navarro sa pakikipagtulungan ng Tzu Chi Foundation Philippines sa Love Campus ng Buddhist foundation sa Sta. Mesa Maynila.

Masayang nana-nanghalian ang mag-ama sa loob ng campus nang mapansin ko sila di kalayuan sa aking kinaroroonan.

Naka-wheelchair si April, at mag-isang kumakain katabi ang ama. April Sunday ang buo niyang pangalan dahil April siya ipinanganak at araw ng Linggo ayon sa ama na si Ramon Tan.  “Noong panahong iyon wala akong maisip at nakahandang pangalan para sa kaniya kaya yun ang ipinangalan namin sa kaniya.

Ipinanganak na may cerebral palsy si April, pang-lima sa 8 anak at bed ridden ng 14 na taon.

Ayon sa ama nito, kinunan ng tubig ang buto sa likod ni April matapos na pumirma siya sa isang waiver na aminado siyang hindi niya binasa.

Labis na ikinatuwa ni G. Tan nang ilapit nila ito sa Tzu Chi Foundation, isang NGO na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan.

Suportado nito ang pagpapagamot, theraphy at maging ang pag-aaral ni April sa Orthopedic Hospital for Crippled Children.  Siya ay nasa Level na ngayon at may cash allowance na P1,400 mula sa foundation.

Bagama’t kulang, pilit na pinagkakasiya ng ama ang allowance maging ang konting kinikita mula sa ilang kwarto na paupahan nito.

“Tumigil na ako sa pagtatrabaho para kay April para maalagaan siya,” ani mang Ramon.  “Wala na akong balak mag-asawa.  Sa kaniya na lang ang oras ko.”

Kung dati ay hindi naigagalaw ni April ang katawan, ngayon ay naiaangat na nito at nakauupo na sa wheelchair.  “Balancing na lang ang kulang sa kaniya para makalakd ng maayos.”

Ipinagmamalaki nito na matalino ang anak sa kabila ng kalagayan nito ayon aniya sa mga guro nito.  Magaling siya sa Math at mabilis ang pick-up.  Marunong na din si-yang mag-operate ng camera at cell phone.

Lagi ko siyang kinakausap at sinasabi kong maganda siya.  Pero mas maganda siya kung nakatatayo siya.  Kaya lalong lumalakas ang loob niya na makatayo ng sarili niya.  Nakatatayo na siya at nakalalakad gamit ang palaka walker.”

Masayahin si April at bakas sa mukha nito ang simpleng ganda.  Nakatutuwang  tingnan ang  mag-ama dahil hindi mababakas sa kanilang mukha ang kanilang mga pinagdadaanan.

Natuwa ako nang ikuwento ni mang Ramon na nagsasarili ng magpalit ng sanitary napkin si April kapag may buwanang dalaw.  Naintindihan ni April ang sinabi ng ama at bahagyang siniko na tila sinasabing “nakakahiya naman.”

Ngayon, masayang sasalubungin ng pa-milya ni Mang Ramon ang Kapaskuhan bagama’t salat sa materyal na bagay.

Hindi kayang tumbasan ang kaligayahan na idinudulot ni April sa kaniyang buhay. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply