Maidana titirik kay Khan

KUMPIYANSA si WBA World Light Welterweight Champion Amir Khan na matatalo niya sa darating na Linggo ang katunggaling si Marcos Maidana.

Sinabi ni Khan, na nagdiwang  ng kanyang ika-24 na kaarawan, sapat na ang ginagawa nilang paghahanda sa IBA Gym sa Las Vegas para talunin si Maidana.

Subalit sinabi naman ni Maidana na hindi dapat pakasisiguro si Khan dahil may sandata siyang inihahanda laban dito.

Si Maidana ang interim champ ngayon at sakaling matalo ito ni Khan ay magkakaroon ang huli ng mas malaki pang laban.

Tiwala naman si trainer Freddie Roach na kayang-kayang patulugin ni Khan si Maidana sa sobrang bilis at lakas nito.Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply