Makakalaban ni Pacman ihahayag sa Sabado

PORMAL ng ihahayag sa Sabado ang opisyal na makakalaban ni 8-division world champion at pound for pound king Manny Pacman Paquiao.

Ito ang isiniwalat ni Top Rank promoter Bob Arum na bago siya bumalik sa US ay ihahayag na nila kung sino ang makakalaban ni Pacman at kung kailan ito magaganap.

Sinabi ni Arum na naibigay na niya kay Pacquiao ang listahan ng lahat ng pwede niyang makalaban.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nagsasalita si Pacman kung sino ang gusto niyang makalaban.

Nakalista ang mga pangalan nina Juan Manuel Marquez, WBC welterweight champion Andre Berto at Sugar Shane Mosley sa mga pagpipiliang mga boksingero na pwedeng makalaban ni Pacman.

Tiwala si Arum na sa Disyembre 18 ay maihahayag na nila kung sino ang pipiliin ni Pacquiao at kung sa Abril 17 o sa Mayo 6 ang petsa ng laban sa MGM Grand sa Las vegas, Nevada.

Nakatakdang bumalik ngayong Linggo sa Amerika si Arum na nandito sa bansa ngayon upang dumalo sa selebrasyon ng ika-32 kaarawan ng Pinoy boxing icon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply