Malignaggi sa Hopkins undercard

NADAGDAGAN ang mga matitinding fighter sa undercard ng bakbakan nina Hall of Famer Bernard Hopkins at WBC light heavyweight champion Jean Pascal sa December 19, araw ng Linggo.

Si dating Junior Welterweight World Champion Paulie “The Magic Man” Malignaggi ay haharap sa 27-anyos na Mehikanong si Michael Lozada (36-6-1, 29 KO’s).

Si Lozada ay isang power- puncher na tiyak na magpapahirap kay Malignaggi na isang light puncher sa loob ng sampung rounds.

Maging si contender Daniel “The Golden Child” Jacobs ay kasama rin sa laban na haharap kay unbeaten New Yorker Peter “Kid Chocolate” Quillin sa sagupaan na gaganapin sa Pepsi Coliseum sa Quebec City.

Si Malignaggi ay isa sa mga nakalaban nina Juan “Baby Bull” Diaz (twice), Ricky “The Hitman” Hatton, Amir “King” Khan, Lovemore “Black Panther” N’dou at Miguel Cotto.

Naniniwala naman ang 30-anyos na taga-Brooklyn na mas mahusay siya kumpara kay Lozada. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply