Mandatory protection ng OFWs, dapat unahin ni PNoy

IMBES na mandatory insurance dapat na mandatory protection ang igarantiya ni President Benigno Aquino III sa overseas Filipino workers (OFW), ayon sa Migrante International.

Anang grupo, hindi lalong pagpapahirap ngunit proteksyon para sa OFWs ang dapat unahin ng Aquino administration dahil madalas na maapektuhan ang mga ito ng mga gulong nagaganap sa ibang bansa.

Ginawang halimbawa ng migrante ang may 60,000 OFWs sa South Korea na maaring madamay sa gusot na kinalaharap ng nasabing bansa dahil sa umiinit nitong girian sa North Korea.

“Kung talagang hangad ni PNoy ang proteksyon ng ating mga kababayan, ipakita niya ito hindi sa pamamagitan ng pagpataw ng mga bayaring maaaring ipasa sa mga OFWs,” ani Gary Martinez, chairperson ng Migrante International.

“Sa South Korea, daang libong kababayan natin ang maaaring nanganganib ang kalagayan pero walang malinaw na pahayag at aksyon pa rin ang ating embahada at gobyerno,” dagdag niya.

Anang grupo, dapat ding ikundena ni Aquino ang joint United States-South Korea military exercises para sa kaligtasan ng mga OFW.

“For the benefit of thousands of our OFWs in South Korea, PNoy should denounce the upcoming US-SoKor war games. It is a recipe for disaster for our OFWs not only in Korea but in the Asia Pacific region as it will surely heighten the tension in the Korean Peninsula,” ani Martinez, dating OFW sa South Korea.

Pinulaan din niya ang Armed Forces of the Philippines dahil sa paghila umano nito sa Pilipinas sa conflict na nagaganap sa Korean Peninsula.

Kamakailan, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo David na handang tulungan ng Pilipinas ang Southn Korea.

“The AFP chief’s reckless remark betrays his utter ignorance in diplomacy. Nakalimutan na ba nila si Angelo dela Cruz? Gusto pa ba nilang maulit muli ang nangyari dati dahil lang sa pagkampi ng gobyerno sa mga gera ng US?,” ani Martinez. Soledad Montes

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply