Mar pasok, Ochoa out?

UMUGONG kahapon sa Malakanyang ang umano’y napipintong pagpapatalsik kay Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa dahil umano sa pagkakabaha-bahaging muli ng mga taga-suporta ni Pangulong Benigno Aquino III.
Isang mapagkakatiwalaang source sa Palasyo ang nagsabing mismong si Communications Secretary Ricky Carandang ang nagpapakalat ng balita dahil si dating Sen. Manuel “Mar” Roxas o si Energy Secretary Jose Rene Almendras ang ipapapalit kay Ochoa.

“It was Ricky who is telling in some private talks that Ochoa is on his way out,” ayon pa rin sa naturang source, kasabay ng pagsasabing si Carandang ay bahagi umano ng grupong sumuporta kay Roxas.

“While the bickering must be abated so as not to jeopardize the programs of President Aquino, the power struggle has only turned more vicious over time,” giit pa ng source.

Isang source pa rin ang nagsabing si Roxas ang uupong executive secretary dahil si Ochoa naman ang siyang ipapalit kay Justice Secretary Leila de Lima, na itatalaga naman umano bilang chairperson ng Commission on Elections (Comelec).

Ngunit nagdadalawang-isip din umano si Roxas, natalong ka-tiket ni Pangulong Aquino noong huling presidential elections, na hawakan ang posisyon ni Ochoa dahil may balak pa itong kumandidato sa 2013 at 2016.

Isa pa umanong pinangangambahan ni Roxas ay ang ibunton sa kanya ang sisi ng mga kapalpakan ng mga Gabinete ni Pangulong Aquino.

“That would reflect on him and may affect his comeback in the political arena such as the 2016 presidential race.”

“While Roxas is eyeing the post of Ochoa and with the backing of the Liberal Party, people close to him are dissuading him to accept the appointment because whatever errors and mistakes that President Aquino may commit would ruin his political comeback.” Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply