Marian Rivera, no comment sa isyu sa kanila ni Jake Cuenca

SA ALBUM launching ni Mark Bautista nakita namin sa audience si Eric Santos na bestfriend ng una at bago nagsimula ang album launching ay dumating naman si Sarah Geronimo kasama ang magulang.

Hiyawan ang audience lalo na ang tagahanga ni Mark nang dumating si Sarah. Hindi naman kasi itinago ni Mark na crush niya ang actress./singer pero it so happen na hindi siya pumasa sa panlasa ng dalaga.

Naging magkaibigan pa rin naman sila at tinanggap na rin ni Mark na hindi sila para sa isa`t-isa ni Sarah.

Anyway, bago nagsimula ang album launching nagkaroon kami ng chance makatsikahan sa backstage si Mark.

Bakas sa mukha ang kasiyahan nang humarap ito sa amin dahil first time niyang magla-launch ng album na dalawang kanta nakapaloob sa album ay sarili niyang composition, ang “Okey” at “Bakit.”

Inialay niya ang kantang Bakit kay Sarah, Kung bakit, pakingan ang bawat letra ng kanya na talaga naman naranasan niya nang umibig siya sa sikat na singer/actress Siya rin ang nakaisip ng title ng album na “Nagmamahal: Mark Bautista” under Viva Record.

Ask namin kung ano ba talaga ang rason kung bakit lumipat siya sa GMA 7 from ABS CBN?

“Hindi naman ako napabayaan ng Dos, I just want to explore my talent.

Masaya naman ako sa ginagawa sa akin ng GMA 7. Isinama ako sa Party Pilipinas at sa teleseryeng Dwarfina.

Masaya ako ngayon,” say ni Mark.

***

Masaya kami sa tagumpay ngayon ni Governor E.R.Ejercito sa political arena, ganoon din sa kanyang maybahay na si Maita Sanchez na ngayon ay mayor ng Pagsanjan, Laguna.

Sa sariling pagsisikap ni ER, nagawa niyang umangat at abutin ang kanyang mga pangarap. Ang dating bad boy at kontrabida sa mga ginawang pelikula, ngayon ay isa nang magaling at iginagalang na Governador ng Laguna.

Pinagsikapan ni Gov ER patunayan na maging mabuting public servant ang katulad niyang artista. At ang legacy ng kanyang tiyuhin na si former President Joseph Estrada  ay kanyang iningatan kaya pinagbuti niya ang paglilingkod sa Laguna.

Magmula nang siya ay mahalal na mayor ng Pagsanjan hanggang sa mahalal na Governador, ang pagbabago sa imahe ng laguna ang pinagbuhusan niya ng panahon.

At tulad ng kanyang pinsang sina Senator Jinggoy Estrada  at Quezon Province Board Member Gary Estrada, ang pagtanaw ng utang na loob sa showbiz people lalo na sa entertainment press ang hindi niya kinalimutan.

Bilang pasasalamat sa suporta sa kanya ng showbiz people ay nagpa-Christmas party siya at lahat ng dumalo, imbitado or hindi ay umuwing masaya.

Siyanga pala kasama rin si Governor E.R. sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote nina Bong Revilla at Vic Sotto.

***

Walang comment si Marian Rivera tungkol sa pagsakay daw sa kanyang kasikatan ng actor na si Jake Cuenca na nagsabi raw na crush siya nito. Magkasama sila sa Super Inday and the Magic Bibe entry ng Regal Film sa MMFFP.

Ayon kay Marian nang makatsikahan namin sa taping ng “Show Me Da Manny” sitcom naman nila ni Manny Pacquiao na napapanood every Sunday sa GMA 7, na okey lang daw kung sinuman ang humanga sa kanyang kagandahan.

Masaya raw siya may nag-a-appreciate pa rin ng kanyang beauty.

Maingat na si Marian na magbigay ng anuman reaction ngayon dahil sa pangamba na kapag nagbigay ng pahayag ay binibigyan ng hindi magandang kahulugan.

Ang importante ngayon kay Marian ay masayang pagmamahalan nila ni Dingdong,.Sa dami ng bumabatikos sa kanilang relasyon at sa kung anu-anong negative write up against them, mas lalo lang daw tumitibay ang kanilang relasyon.

Tsika pa ni Marian, hindi siya makakasama kay Dingdong sa Singapore para dumalo sa Asian TV Awards dahil busy siya sa pagpo-promote ng “Super Inday and the Magic Bibe” Dasal niya na manalo si Dingdong na nominadong Best Actor sa pagganap bilang Cholo sa Stairway To Heaven. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply