Marlene Aguilar, pinagkaguluhan sa radyo 5 ng ABC5

WALANG duda na tama nga ang survey ng Concerned Writers of The Phil. Entertainment Industry na isa si Marlene Aguilar na patuloy na sinusubaybayan ng mga fans, media sa mga hakbang pang gagawin niya sa kanyang mga kontrobersyal na mga gawain sa showbiz at pulitika.

Lumabas kasi sa survey ng Concerned Writers…na pangalawa si Marlene Aguilar (una si Presidente Noy Aquino sa controversial love-life) na sikat at kinikilala at patuloy na sinusubaybayan ng lahat ang mga kontrobersiyal nitong mga balita ukol sa kanyang anak na si Jason Ivler at ang kontrobersyal nitong librong Warriors of Heaven.

Three days ago after ng survey na ‘yun ng Concerned Writers….pumutok agad ang balitang pagkakabasura ng mga kasong isinampa ng mga Ponce kay Ivler kung saan kinatigan ng korte ang anak ni  Marlene Aguilar sa kaso nito ilang taon na ang nakakaraan.

Kinabukasan, agad ding pumutok ang balitang hindi pa sinasagot ni Liz Uy si P’noy, na nasundan ng balitang muling idinemanda ng ABS CBN si Willie Revillame na kasabay rin ang balitang pagdating sa bansa nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Sa survey kasi ng Concerned Writers…nanguna sa Top 5 si P’noy, sumunod si Marlene Aguilar, sumunod si Willie Revillame at pang-apat si Robin at Mariel at pang lima sina Kris at James.

Pero sabi nga, mukhang mababaligtad ngayon ang survey ng Concerned Writers…sa sino nga ba ang nangunguna ngayong in na pinag-uusapan. Lumalabas tuloy na mas nangunguna ngayong sikat at pinag-uusapan sa bansa si Marlene Aguilar at susunod lang dito ang kontrobersyal na pag-ibig ni P’noy.

****

Speaking of Marlene Aguilar, pinagkaguluhan siya kamakailan sa compound ng TV5 kung saan special guest siya ng mga sikat na broadcaster ng TV5 na sina Andrea Bautista at Erril Cabatbat na may programa sa Radyo Singko News FM.

Nakakaloka ang guesting ni Marlene sa nasabing programa kung saan first time na kumanta pa ng live si Marlene sa radyo. Bilib na bilib nga sina Andrea at Erril dahil sa pagiging game ni Marlene na sumagot sa mga isyu bukod pa sa paghiling nila na umawit live si Marlene para sa mga tagapakinig.

Walang gatol na sinagot ni Marlene ang mga isyu tungkol sa kanyang anak na si Ivler at ang tungkol sa kontrobersyal niyang librong Warriors of Heaven.

Natutuwa naman si Marlene dahil napakaraming nag-text at tumawag live sa station na pawang pumapabor sa kanyang mga adhikain.

Ang nakakaloka, nang matapos si Marlene sa Radyo Singko, agad na naglabasan ang buong staff ng Radyo Singko para magpa-picture kay Marlene. Nakakatuwa dahil mula sa kani-kanilang mga bibig, humahanga sila kay Marlene at sinasabi nilang idolo para sa lahat ng mga kababaihang ina.

PERSONAL: Merry Christmas at maraming salamat sa mga kaibigan..especially sa aking ama at best friend Boy Abunda Jr., my entertainment editor Evelyn Diao, sa mabait kong kaibigang may ari ng Raises Montessori sa Taytay, Binangonan, Angono si Ramon’Randy’ Ravanzo…merry Christmas at salamat po sa inyo. Charlie Lozo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply