Marquez target ni Gesta

NAIS ni Top Filipino lightweight prospect Mercito “No Mercy” Gesta na makaharap ang mga malulupit na boksingero sa hinaharap dahil naniniwala siyang sapat ang kanyang kakayahan para sagupain ang mga ito.

Si Gesta na nagsalita sa isang radio program ay nagsabing gusto niyang makasubukan sina Juan Manuel Marquez o kaya’y si Michael Katsidis.

Ayon kay Gesta, magagaling ang mga ito kaya pangarap niyang makaharap sa ibabaw ng ring ang mga nasabing boksingero.

Maging sina Eric Morales, Rocky Juarez, Brandon Rios at Vicente Escobedo ay pangarap niya ring makasapakan.

“I have been boxing long enough, and I feel that I am ready physically and mentally to take on the best,” ayon sa 23-anyos na Pinoy unbeaten lightweight.

Si Gesta ay may kartadang 21 wins at 10 KO’s at walang talo.

Sinimulan niya ang kanyang karera sa Estados Unidos noong 2007.

Ang young fighter ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Cebu para dalawin ang kanyang pamilya roon habang nami-miss na ng fighter ang kanyang Fil-Am girlfriend na ang ina ay taga-Zambales. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply