Marvin Agustin, balik Kapamilya?

MARAMI talaga ang natuwa at nagulat sa pagsipot ni Marvin Agustin sa isinagawang presscon ng Star Cinema para sa pelikulang “Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!) na kasali sa darating na Metro Manila Film Festival-Philippines.   May mahalagang role kasi si Marvin sa nasabing pelikula, dahil gumanap siyang isa sa mga mababait na anak ng bidang si Ai-Ai delas Alas.  Kapuso star na kasi ngayon ang magaling na actor, kaya may pagtataka siyempre ngayong makikita siya sa bakuran ng ABS-CBN.

Kuwento ni Marvin ay hindi naman daw naging mahirap ang pagpayag ng GMA-7 na muli ay maging  parte siya ng movie ni Ai-Ai, dahil alam naman ng mga taga-Siyete, na sa part 1 pa lang ng nasabing pelikula ay isa na siya sa mahalagang bahagi nito.  Iyon din naman ang ipinagsasaya niya, dahil malulungkot din naman daw siya kung sa huling pagsasapelikulang ng natatanging ina, ay hindi siya makakasama.

Hindi naman napapabayaan si Marvin sa bakuan ng Siyete, pero naramdaman din niya ang kakaibang tuwa na muli siyang nakatapak sa bakuran ng Dos, dahil sa Kapamilya network naman talaga siya nagsimula.  Magka-loveteam sila noon ni Jolina Magdangal, na ngayon ay Kapuso star na din.  Sa muling paghaharap nina Ai-Ai at Marvin at napansin ng komedyana, na talagang hindi na nga bagets ang kanyang anak sa movie, dahil napaka-pormal at responsable na ng dating ng actor sa ngayon.

****

GUSTO siyempre nating palakpakan ng pasasalamat si Mr. Perry Lansigan ng PPL Talent Management dahil sa Christmas party for the press na kanyang inihandog para sa mga manunulat sa showbiz.

Sa totoo lang, nu’ng dumating ang aming grupo sa venue ng party ay si Perry mismo ang sumalubong sa amin.  Walang kanegahan ang dating ng kanyang personality sa aming naramdaman sa paghaharap namin iyon.  Ito kasi ang unang pagkakataon na naimbitahan ako sa mga okasyon ng PPL.  Pero ‘yung mukha ni Perry, matagal ko na siyang nakikita nu’ng nagsisimula pa lang ako sa pagsusulat, na lagi talaga si Mr. Lansigan sa GMA-7 Compound, at noon pa man, ang sipag-sipag na niya.

Masarap siyempre ang pakiramdam na ang mga alagang artista ni Perry ay hindi malayo sa aking puso.  Nu’ng mga bagets pa kasi sina Jolina Magdangal at Angelika dela Cruz ay sila ‘yung mga bagets na lagi kong naiinterbyu, na mababait talaga.     Paborito ko namang i-ambush interview si Dingdong Dantes, dahil bukod sa guwapo nga siya, ay umaapaw ang breeding at napakabait.  Mababait din sina Gabby Eigenmann at Geoff Eigenmann.  Ngayon ko lang din nakaharap sina Arthur Solinap, Carlo Gonzales at Carl Guevarra.

Kahit tapik sa balikat at daupang-palad pa lang ang unang paghaharap namin ni Perry, ay isa tayo sa mga nagbibigay sa kanya ng respeto, dahil marunong siyang magpahalaga sa mga press, katulad din naman ng kanyang mga alagang sina Dingdong, Jolina at Angelica na mga kilala nating malapit sa mga manunulat.

‘Yung mga katulad nila ang hindi nakakapanghinayang bigyan ng espasyo sa ating mga panulat, dahil mababait silang artista.  ‘Di ba naman? Melchor M. Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply