Marvin Agustin bumangon sa kahirapan

DIRETSO lang talaga si Marvin Agustin sa kanyang mga magagandang plano para sa kanyang buhay.  Nakakabilib ang pagkagusto niyang bukod sa pagiging artista niya sa showbiz, ay maging matagumpay siyang negosyante.

Noong nagsisimula pa lang kasi siya sa showbiz ay bukang-bibig na niya palagi, na gusto niyang mag-business, dahil ang kasikatan naman ng mga artista ay hindi pang-matagalan.  Tanggap niya noon pa man, na kapag nagkaroon siya ng pangalan, ay darating din ang panahon na magkakaroon ng paglamlam ang kanyang popularity.

Good karma talaga si Marvin, dahil kung may mga panahong hindi siya masyadong abala sa kanyang movie career, ay ang masusing pag-aaral talaga ng mga negosyong papasukin ang binibigyan niya ng pagtutok.  Hindi naman kasi siya maingay sa kanyang mga ginagawa, dahil tahimik siya kung kumilos sa kanyang mga binabalik.  Kaya marami na lang ang nagugulat at napapailing sa sobrang paghanga, na ngayon ay nagtatagumpay talaga ang mabait na aktor sa kanyang mga pinasok na negosyo.

Ang unang inspirasyon kasi ni Marvin kaya inambisyon niyang magtagumpay at magbago ang takbo ng kanilang kabuhayan, ay ang kanyang pamilya.  Hindi niya inililihim, na nu’ng mga panahong nasa kulungan pa lang ang kanyang daddy, ay talagang naghirap sila at naibenta ang marami nilang gamit sa bahay na dati nilang naipundar.
Pero dahil nga hindi siya sumusuko sa madaming hirap na dinaalan nila noon, ay nakabangon na talaga totally ang kanilang kabuhayan.  Maraming kapwa artista na nakasabayan noon ni Marvin, ang gustong gayahin siya at maging matagumpay na ring negosyante.
***

Mahal talaga ni Ai-Ai delas Alas ang mga manunulat at mamamahayag sa showbiz.  Tsikadora kasi ang komedyana, kaya marami siyang mga kaibigan sa press.  Napakatotoong tao ng bida sa “Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!)” ng Star Cinema, dahil kung ang kabuoan ng isang taon sa kanyang movie career ay matagumpay, na ang ibig sabihin ay kumita talaga siya at walang pinagdaanang mga problema sa buhay, ay hindi niya nakakalimutang magbigay ng Christmas party para sa press.

Hindi madamot si Ai-Ai, dahil kapag marami siyang proyekto ay alam niyang magbahagi sa press ng labis-labis sa kanyang kinita.  Pero ang mga manunulat siyempre ay marunong namang makiramdam kung makakaalaala ba ang komedyana sa panahon ng kapaskuhan.

Maingay kasi siya kapag mayroong project, dahil talagang nakikipag-communicate siya sa mga manunulat para suportahan ang ipino-promote niyang project.  Naaliw naman si Ai-Ai kapag naipaparating sa kanya, na maraming nagdarasal para lalo pang bumongga ang kanyang career.

Ang maganda kasi sa ugali ni Ai-Ai, ay naniniwala siya at rumerespeto sa nagagawa ng mga manunulat para ang isang artista.  Ang tunay na pakikipagkaibigan ng komedyana sa press ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin siya.  Naniniwala rin kasi siya, na kapag ang isang artista ay hindi na nasusulat at hindi na rin pinag-uusapan, ay isa iyong malaking problema na dapat ikaalarma ng mga artista.  Nangangahulugan din kasi iyon, na laos ka na at wala nang dating sa mga manunulat. Melchor M. Bautista

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply