Matuto na sa dagdag-bawas sa amnesty proclamation ni PNoy

SINASABING ayos na ang amnesty proclamation para sa lahat ng mga nagkudeta laban kay Gloripie noon.

Baka bago mag-Pasko, meron na umanong lalaya sa piitan o kaya naman ay tu-luyan nang mawawalan na ng kasong kudeta.

Aba, walang kapalit ang kalayaan, sa totoo lang.

At beri gud nyus yan, kahit pa may mga kuwestiyon sa proklamasyon na yan.

oOo

Pero maalaala natin, Suki, grabe ang pinagdaanan ng nasabing proklamasyon na na pang-50 ni PNoy.

Ilang beses, Suki, na niretoke.

Noong una, kinuwestiyon at ibinasura ng mga mamba-batas ang “effective immediately” na gusto ng mga taga-Malakanyang na gumawa ng proklamasyon.

Noong dinoktor ito para tumugma na sa panlasa ng mga onorabol sa Kongreso, ibinalibag ito pabalik sa Palasyo sa iba’t ibang kadahilanan.

Nitong nagdaang mga araw, ibinasura ulit ang proklamasyon dahil sa dagdag-bawas sa mga listahan ng mga benepisiyaryo.

Nawala sa listahan ang may 40 sundalo na nagku-deta samantalang naisama ang ngalan nina Sen. Greg Honasan, Pastor ‘Boy’ Saycon, Ambassador Roy Señeres at ilang taga-New People’s Army-National Democratic Front.

Naayos din sa wakas kahapon ang problema nang sabihin ng mga taga-Palasyo na hindi pa pinal ang listahan ng mga benepisiyaryo at hindi rin malalaman kung sino-sino talaga ang mag-aaplay ng amnesti.

May problema nga lang, Suki.

Tanging ang Department of National Defense umano ang magpapasya kung sino-sino ang mga mapagkakalooban ng amnestiya.

Mukhang may sabit ulit dito bagama’t oki na sa mga mambabatas.

Ang nakikita natin, eh, may demandahan na maga-ganap lalo na sa parte ng mga hindi palalayain kahit mag-aplay ang mga ito sa amnestiya.

Iniisip natin ang mga posibleng madedeklarang guilty sa military court.

Papayag ba ang DND na pagkalooban ng amnestiya  ang mga mapatutunayan sa court martial na nagkasala sa kudeta?

oOo

Ang isang kapuna-puna ay ang pagluluto ng mga taga-Palasyo ng proklamasyon o patakaran na hilaw.

Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin nito?

Kung tutuusin, magagaling ang mga naririyan sa Palasyo.

Napakarami riyan ang abogado at kokonti ang hindi.

Panay may kaugnayan sa batas, jurisprudence o pinal na desisyon ng Hukuman at Konstitusyon ang pinag-uusapan sa mga proklamas-yon at patakaran at kakaunti sana ang mga sablay nila.

Pero bakit parang gawang On-the-Job Trainee at kab iskawt ang mga yan?

Mabuti na lang at idinaan sa Kongreso ang hilaw na pradyek at tumulong pa ang mga mambabatas para lang magiging ligal at katanggap-tanggap ang proklamasyon.

Ang malungkot ngayon ay ang sinapit ng Executive Order No. 1 ni PNoy.

Katulad ito ng amnesty proclamation na ginawa yata talaga ng mga OJT at kab iskawt.

Hayun at tinirador nina Mang Rene Corona na un-constitutional. Waaaa! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply