May-ari ng hotel sa Tuguegarao, papanagutin sa sunog

Tiniyak kahapon ng isang senador na papanagutin ang may-ari ng nasunog na Bed and Breakfast Pension House sa Tuguegarao na ikinamatay ng 16 na katao kabilang ang ilang nursing examinees at ikinasugat ng ilan.

Sinabi ni Sen. Ramon Revilla Jr., dapat panagutin ang sinumang nagkaroon ng pagkakamali o nagbalewala sa Fire Safety Code of the Philippines  maging opisyal ng pamahalaang lokal ay dapat managot sa trahedya.

“As one of the authors of the Fire Code of the Philippines (also known as R.A. 9514), I call on the fire authorities to closely look into this matter, whether violations have been committed and whether there was leniency as opposed to strict enforcement of fire-safety inspection requirements on the part of the city government,” giit niya.

Aniya, masyadong nakalulungkot ang pangyayari dahil malapit nang sumapit ang Kapaskuhan at nadamay pa ang ilang indibiduwal na gustong makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagkuha ng board exam ng nursing.

“First of all I would like to extend my deepest sympathy to the families of the fire victims in Tuguegarao. The fire, which took the lives of 15 individuals and injured several others including nursing graduates who had checked-in to take licensure exam exams, is terribly disheartening and frustrating,” giit ni Revilla.

“Napakalaking kawalan ang isang buhay para sa isang pamilya, lalo na’t kung ito’y inaasahang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ang ganitong sakuna, na naganap ilang araw bago ang kapaskuhan, ay tunay na nakapanlulumo,” dagdag ni Revilla.

Nanawagan naman si Revilla sa lahat ng local government officials na magsagawa ng malawakan at maghigpit sa regular na pagsusuri sa mga gusali at mga kabahayan upang maiwasan ang ganitong trahedya na gumigimbal sa ating bansa. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply