May shortage o wala, presyo ng gasolina tataas

WALANG magaganap na fuel shortage sa kabila ng pagsasara ng pipeline ng First Philippine Industrial Corp (FPIC) sa Brgy. Bangkal Makati City, pero posible naman ang muling pagsirit ng presyo ng petrolyo.

Ang anunsyo ay ipinalabas ng Department of Energy (DoE) at posibleng matuldukan na ang kakapusan ng suplay ng produktong petrolyo sa Metro Manila ngayong papalapit na kapaskuhan sa oras na masigurong wala nang tagas ang pipeline ng FPIC.

Ayon kay Energy Sec. Jose Almendras, sakaling mapatunayang wala na ang tagas, maaari na silang magsumite ng petisyon sa Korte Suprema upang hilingin na payagan nang gamitin ang naturang pipeline.

Nilinaw ni Almendras na ang pinag-ugatan ng nasabing oil shortage ay dahil sa mabagal na delivery mula sa nakasaradong pipeline ng oil refinery sa Batangas.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 50-gas station ng Shell ang nagsasara bunsod ng kakulangan sa suplay ng langis.

Sa kabila nito, inamin naman ng DoE na hindi nila kayang pigilin ang mga oil company na magtaas ng presyo ng gasolina.

Sinabi ni Energy Undersec. Jay Layug na deregulated na umano ngayon ang oil companies kung kaya’t wala na aniya silang kontrol dito. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply