Maynilad pasok sa PBA’s D-League

MAAARI umanong lumahok ang Maynilad sa kauna-unahang Developmental League (D-League) ng Philippine Basketball Association.

Ang Maynilad ay isa sa mga kompanyang hawak ni businessman/sportsman Manuel V. Pangilinan.

Kinumpirma rin ito ni Patrick Gregorio, Talk N Text’s alternate board governor sa PBA. Ang Talk N Text ay pag-aari rin naman ni Pangilinan.

Una nang inihayag ng PBA na bubuksan na ang D-League tournament sa susunod na taon.

Ang three-month-long tournament ay open habang ang PBA’s 37th season ay nagpapatuloy pa rin.

Nabatid na ang games ay gaganapin tuwing araw ng Martes at Huwebes.

Ayon kay PBA commissioner Atty. Chito Salud, tinatayang apat na teams sa lahat ng PBA ang nagpahayag ng interes na lumahok sa D-League.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply