Mayweather gigisahin ng korte

NATAKDANG humarap si boxer Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas judge ngayong araw na ito kaugnay ng misdemeanor battery charge kung saan inakusahan siyang nanakit at nanduro ng isang security guard.

Ang kaso ng 33-year-old undefeated professional fighter ay nag-ugat sa alegasyon na paulit-ulit umano niyang dinuro ang 21-year-old homeowner association guard na nakilalang si Shayne Smith sa pisngi kasunod ng ginawang pagsita rito dahil sa parking violations noong Nov. 15 sa labas ng bahay ni Mayweather.

Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na komento ang kampo ni Mayweather sa katauhan ni Attorney Richard Wright.

Si Mayweather ay pansamantalang nakalalaya dahil sa $3,000 bail na inilagak niya kung saan lulutang siya sa Jan. 24 sa korte kaugnay naman ng felony coercion, grand larceny at robbery charges dahil naman sa pananakit sa dating nobya noong Sept. 9 at pananakot sa kanilang mga anak.

Sa kasong battery charge, maaaring makulong si Mayweather ng anim na buwan at magmumulta ng $1,000 habang sa kaso niya sa dating nobya ay may katapat na 34 taon kung pagsasama-samahin. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply