Medical team hindi pinayagang masuri ang mga miyembro ng Morong 43

HINDI pinayagan  ang volunteer  medical team  na masuri ang mga nagsasagawa ang  mga detenidong babaing miyembro ng Morong 43.

Ito ang nabatid  sa unang araw ng isinasagawang hunger strike ng Morong 43.

Sa press statement, sinabi ni Dr Geneve Rivera ng Free 43 Health Workers Alliance,  mismong si  Warden Mary Jane Clemente na nangangasiwa sa female detention center sa loob ng Camp Bagong Diwa ang tumangging magpapasok sa medical team na susuri sana sa mga babaing miyembro ng  detenidong health worker.

Ayon pa kay Dr Rivera, matapos ang matagal na paghihintay wala ring binigay na katiyakan ang warden kung kailan isasailalim sa medical check up ang mga community based worker, sa kabila aniya ito ng kahilingan ng mga babaing preso na sila ay matsek-ap ng mga duktor na kanilang nais.

Paliwanag ni Dr Rivera, ang  The Free the 43 Health Workers Alliance  na binubuo ng mga doktor at  medical professional ay handang magkaloob ng tulong medical sa nagha-hunger strike na  Morong 43 na pinili ng mga detenidong health worker na sumuri sa kanila.

3 detainees kumpirmadong may high blood. Tatlo sa male detainees ang kumpirmadong may high blood habang isa ang mababa ang timbang.

Kulang naman anila ang medical equipment and supplies habang dapat namang kumpunihin  ang iba pa.

Nabatid rin kay Dr Rivera na kinumpirma mismo ng  medical personnel sa piitan  na tatanggapin nila ang anumang tulong mula sa mga  volunteer medical team  sa sandali ng emergency na dulot ng hunger strike.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply