Melai, binubugbog ng boyfriend?

SAY ni Melai Cantiveros sa taping ng ‘Banana Split’, walang katotohanan ang balitang binubugbog daw siya ng boyfriend niyang si Jason Francisco.

“Kaming dalawa ang nagbubugbugan. ‘Yun ang aming way of kuwan, para hindi kami sabihang sweet. Kasi ang OA naman kung sabihan kami na, ‘Uy, ang sweet!’ Nahihiya kasi kami.”sabi ni Melai na natatawa.

Pinasinungalingan din ng dalaga na hiwalay na sila ni Jason. Hanggang ngayon daw ay sila pa rin. In fact, lagi pa rin daw pumupunta sa bahay niya si Jayson, sinusundo siya nito para mamasyal sila.

Pero inamin naman ni Melai na madalas silang naga-aaway o nagkakatampuhan ni Jayson. Lagi raw kasi siya nitong pinagtri-trip-an. Nilalagyan daw ng ipis ni Jayson ang mga gamit niya na nagiging dahilan para mag-away nga raw silang dalawa.

ALJUR, MASAYA SA PAGKAPILI SA KANYA BILANG MACHETE

Masayang-masaya si Aljur Abrenica dahil siya ang napili ng GMA 7 para gumanap sa TV version ng Machete na pinagbidahan sa pelikula noong 1990 ni Cesar Montano at Gardo Versoza noon namang 1994. Pangarap kasi niya na gampanan ang role ni Machete.

Noong una pa nga lang daw niyang narinig na isasatelebisyon ito ng Kapuso network,gabi-gabi ay ipinagdarasal niya na kanya mapunta ang role na nangyari nga.

Hindi na nga raw nagkaroon ng audition para sa gaganap na Machete. Personal choice raw siya ng management.

Kaya thankful siya rito.

“Personally, si Machete kasi nakikita ko sa sarili ko. In a way na si Machete kasi, lalaking-lalaki ang dating, moreno at Filipino.”sey pa ni Aljur.

BONGGANG PAMASKO NG MOCHA GIRLS

Bonggang Pamasko ang gagawin ng Mocha Girls sa pakikipag-chat sa mga lalaki nilang Facebook friends dahil pumupunta sila sa isang private chat room, tapos ay ‘pinapainit’ niya ang mga ito.

“Touch chat ‘yon. Pinapanood nila ako na tina-touch ko ‘yung boobs ko at ‘yung katawan ko, gano’n,” sey ni Mocha Uson nang makausap namin sa Papa J’s Wiches ‘n Wings na matatagpuan sa Blue Wave, Macapagal Ave.
“Hindi ako nakahubad, bakat lang. Mga 300 ‘yung nagtsa-chat doon sa chat room na sabay-sabay na naggagano’n (naglalaro sa sarili)!

“Ako lang bale ‘yung nakikita nila. Okey lang sa akin ‘yon. Sabi nga nila, parang ang aga ng Pamasko nila dahil ginagawa ko ‘yon once or twice a week.

“Sa Pasko, baka may gawin akong kakaiba for them. Baka magsuot ako ng Santa hat sa December 24 habang nakikipag-touch chat.

“Maagang paputok! Ha! Ha! Ha!” sey pa ni Mocha.

Release na rin ang kanilang calendar na ‘Mocha Girls 2011’ na siguradong pagpipistahan ng mga kalalakihan. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply