Merci, pwede daw ma-impeach dahil sa plea bargain deal kay Garcia

MAAARING maging basehan ng pag-impeach kay Ombudsman Merceditas Gutierrez ang diumano’y illegal na plea bargain agreement sa pagitan ng kanyang tanggapan at ni dating Armed Forces comptroller Carlos Garcia.

“I should say that can be a ground, that’s betrayal of public trust when you lackadaisically approve deals like that to the detriment of the people, the government… That is betrayal of public trust,” ani Justice Secretary Leila de Lima nitong Lunes.

Ani De Lima, illegal ang agreement dahil ang plea umano ay nangyari lamang matapos ang pagsisimula ng pagdinig sa kaso ni Garcia.

Ganito rin ang pananaw ni dating Ombudsman Simeon Marcelo. Aniya, ilegal ang kasunduan dahil ang plea bargain agreement ay maaari lamang isagawa bago ang presentasyon ng ebidensiya sa kaso.

Noong nakaraang lingo, pinayagan ng Sandiganbayan na magpiyansa ng P600,000 si Garcia kasunod ng plea bargain deal. Lumaya ang dating heneral nitong Sabado matapos ang anim na taong pagkakakulong dahilan sa perjury at plunder charges.

Batay sa deal na anaprubahan ng Sandiganbayan, si Garcia na inakusahan ng plunder dahil sa kanyang di-umano’y P302 million ill-gotten wealth – ay nagplead ng guilty sa direct bribery na mas mababang offense kaysa plunder.

Bahagi din ng kasunduan na ibabalik ni Garcia ang bahagi ng kanyang yamang kinulimbat sa military.

“Bakit napakabilis ng pagpapalaya sa kanya? Di ba muna makahintay? Bakit pinagpost bail agad?” ani De Lima.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng Department of Justice kung anong aksyong legal ang maaaring isampa laban kay special prosecutor Wendell Barreras-Sulit at sa kanyang legal team, ayon kay De Lima.

Pumasok sa plea bargain agreement si Garcia sa grupo ni Barreras-Sulit na nasa ilalim ng Office of the Ombudsman.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply