Metro Manila pollution malala

MALALA na at polluted na ang kapaligiran ng Metro Manila sanhi ng mga makakapal na usok na ibinubuga ng ilang mga pampubliko, pribadong sasakyan at maging ng mga kompanya sa bansa.

Ito ang ibinulgar ni Rene Pineda, presidente ng Partnership for Clean Air (PCA), sa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan matapos na makuha ang pinakahuling reading ng antas ng polusyon sa hangin sa Epifanio de los Santos Avenue (Edsa).

Ayon kay Pineda, sa pinakahuling reading na kanilang isinagawa sa Edsa, ngayong taon ay umabot na sa 282 micrograms ang reading sa air pollution, kumpara noong 2009 na 138 micrograms.

Sinabi ni Pineda na ang average standard kung saan maari pang mamuhay ng normal ang mga mamamayan sa nabanggit na lugar ay 90 micrograms lamang.

Kaugnay nito, nagbabala si Pineda sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maghahain sila ng reklamo sa Supreme Court para pigilin ang mga programa at negosyo na nagiging sanhi ng pagtaas ng polusyon sa bansa base sa Clean Air Act.

“Siguro,kapag idinemanda namin sila, mabilis pa sa alas-4 na gagawin nila ang kanilang trabaho,” ayon kay Pineda.

Layunin umano ng PCA na bumalangkas ng mga pamamaraan para mapababa ang polusyon sa bansa.

Samantala,pinuri naman ni Pineda ang naging hakbang ni Manila Mayor Alfredo Lim na i-ban sa mga main road ng kamaynilaan ang mga “kuliglig” drivers na umano’y isa sa mga sanhi ng air pollution sa Maynila at malaking sagabal sa daloy ng trapiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply