Mga di nagsesegregate ng kalat, lagot sa DENR

PINAG-IISIPAN ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na patawan ng multa ang mga garbage collectors na hindi pinaghihiwalay ang nagbubulok sa hindi nabubulok na basura.

Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, batay sa section 48 ng penal provisions ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay ipinagbabawal ang pagkolekta ng basurang hindi magkakahiwalay.

Idinagdag pa niyang pwedeng makulong ang lalabag dito mula isang araw hanggang tatlong taon at/o multang mula P300 hanggang P500,000.

Nilinaw ni Paje na ang pagpapatupad ng R.A. 9003 ay responsibilidad ng local government units.

Sa ilalim ng batas, ang barangay ang bahala sa paghihiwalay ng basura at pagkolekta ng mga biodegradable at compostable na basura.

Samantalang ang city o municipal government ang kokolekta ng non-recyclable materials at iba pang espesyal na basura.

Ang trabaho umano ng DENR sa tulong ng National Solid Waste Management Commission ay tingnan kung naipatutupad ang solid waste management plans. Nenet L. Villafania at Jayzl Nebre

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply