Mga driver ng taxi babantayan

PAIIGTINGIN ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kampanya laban sa mga  drayber ng taksi na namimili ng pasahero, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Isinapubliko na ng ahensya ang ilang numero ng telepono kung saan maaaring makatawag agad ang mga mamamayang ibig magreklamo laban sa mga mapagsamantalang taxi drivers.

Ang hotline at text number ng DOTC na maaring batuhan ng reklamo ng mga pasahero ay 7890 o di kaya ay sa 09188848484.

Ayon kay DOTC Undersecretary Dante Velasco, nakatatanggap sila ng mga reklamong namimili ang mga taxi driver ng mga pasahero at nangongontrata kaya’t hindi na binababa o ginagamit ang kanilang metro. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply