Mga guro sa Maguindanao, may death threat na

NANGANGANIB ang buhay ng mga guro sa Datu Gumbay Elementary School sa Datu Piang, Maguindanao matapos mapag-alamang nakatatanggap na ang mga ito ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Ito ay matapos paslangin ang isang district superbisor ng eskuwelahan na si Shuaib Usop na binaril ssa harap ng gate ng eskuwelahan sa Barangay Dulawan kahapon ng umaga.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Marcelo Pintac, ito ang kanilang napag-alaman matapos simulan ang imbestigasyon sa pagpatay kay Usop at sinundan ng manhunt operation laban sa nag-iisang suspek.

Sinabi ni Pintac na hinihinala ng mga guro na mula sa mga follower ng mga natalong kandidato noong barangay election ang pananakot, kaya tumanggi na ang mga itong pumasok sa eskwela simula ngayong araw dahil sa matinding takot.

Sa kabila ito ng karagdagang mga pulis at sundalo na itinalaga sa lahat ng paaralan na sakop ng Gumbay District.

Si Usop ang ikalawang guro sa Datu Piang na pinaslang kasunod ni Anthony Ambel na pinatay din matapos ang barangay election.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply