Mga kalahok sa Cinemalaya Filmfest 2011

EXTENDED  naman sa ika-10 ng Disyembre ang 12th Cinemanila International Film Festival ni Tikoy Aguiluz.

Katatapos lang ng awards night ng pestibal at narito ang listahan ng mga nagwagi sa timpalak: International Competition-Best Actor: Ensemble Cast of Sketches of Kaitan City (Japan); Best Actress: Yoon Yeo-jeong in The Housemaid (South Korea); Best Director: Im Sang-soo for The Housemaid; Grand Jury Prize: Eastern Plays by Kamen Kalev (Bulgaria, Sweden); Lino Brocka Grand Prize: Sketches of Kaitan City by Kazuyoshi Kumakiri (Japan) SEA Competition; Best SEA Film: Ang Damgo ni Eleuteria by Remton Siega Zuasola; Digital Lokal; Best Director: Khavn dela Cruz for Mondomanila; Lino Grand Jury Prize: Balangay by Sherad Anthony Sanchez.

Lino Grand Prize: `i Natatapos ang Gabi by Ato Bautista, Young Cinema: Documentaries in Competition—Ishmael Bernal Award for Documentary; Malaya Camporedondo for Ang Panagtagpo ng Akong mga Apohan (The Philippines); Best Documentary: Kano: An American and his Harem by Monster Jimenez (The Philippines) Young Cinema: Shorts in Competition -Jury Prize: “Hazard” by Mikhail Red; Ishmael Bernal Award for Young Cinema: Christian Linaban for “Doktora;” -Best Short Film: “Nilda” by Joy Aquino

ER Ejercito at Maita Sanchez, magkasangga sa hirap at ginhawa

PARANG kung kailan lang ay isang simpleng relasyon ang pinagsasaluhan nina ER Ejercito at Maita Sanchez.

Kung natatandaan namin ay sa isang ordinaryong apartment sa may West Avenue nakatira ang magsing-irog noon at pinagkakasya ang mga bagay na mahalaga sa pang-araw-araw na buhay para makaagwanta sa bawat sandal ng kanilang pagsasama.

Hanggang magkaanak na nga ang dalawa at nakalipat sa ibang bahay.

Ito ay dahil independiyente si ER, Emilio Ramon ang ibig sabihin, at nais patunayan sa kanyang mga kaanak na makakatayo siya sa kanyang sariling mga paa.

Tumira rin sina ER at Maita, ayon sa peryodistang pampelikulang si Alice Vergara, sa may San Juan, malapit sa teritoryo ng mga Ejercito at Estrada pero gayunman, angkin pa rin ni ER ang pagiging malaya bilang tao subalit kung may problema at balak ay maaaring sumangguni sa kanyang mga pamilya.

***

Hindi na nga struggling actress si Sanchez dahil nasa kanya na ang mga bagay na makapagpapaalsa sa kanyang estado bilang bituin sa pelikula at telebisyon.

Nanalo nga si Ejercito bilang alkalde ng Pagsanjan at ngayon ay gobernador naman ng Lalawigan ng Laguna.

Si Maita naman ang mayora ng Pagsanjan.

Ngayon ay natatamasa na ng dalawa ang bunga ng kanilang mga pinaghirapan bagamat hindi maitatatwang malaki ang partisipasyon ng kanyang angkan sa tagumpay nila sa showbiz at pulitika.

Kamakailan ay nagdeklara si ER na magpapaaral siya ng kultura sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Laguna at dumalo pa nga siya sa pagpapanumpa ng mga ito at pagkuwan ay lumipat naman sa Christmas party ng mga Day Care Workers sa lalawigan. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply