Mga Katoliko, hinimok magsalita laban sa pelikula ni Dolphy

HINIMOK ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo ang mga Katoliko na ilabas ang kanilang mga hinaing sa mga gawaing nagmamaliit sa kabanalan ng Eukaristiya at pagpapari.

Tinuran ito ni Lagdameo, dating presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, kaugnay sa pinakabagong comedy film ni Dolphy.

Gumanap ang 82 taong gulang na comedy king bilang isang pari na nagngangalang Jeremiah Jerome Montes o “Fr. Jejemon,” na siyang pamagat ng pelikula.

Di umayon si Lagdameo sa ilang bahagi ng “Fr. Jejemon,” dahil ang mga ito raw ay “negative and does not give a good reflection on the priesthood.”

Partikular na tinutulan ng arsobispo ang eksena kung saan si Fr. Jejemon ay nagbibigay ng komunyon sa isang babae at biglang nalaglag sa kanyang cleavage ang ostiya.

Di rin nagustuhan ni Lagdameo ang parte kung saan ipinakitang nasingit sa pustiso ng nangungumunyon ang ostiya.

Tinanggal na umano ang mga nasabing eksena sa pelikula. Ngunit ayon kay Lagdameo, dapat pa ring magsalita ang mga Katoliko sa mga isyung kumukutya o nagwawalang-saysay sa mga gawaing banal.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply