Mga korap panahon nang pagsusunugin

ILAN kayang firetruck ang mabibili ng P300 milyon?

Halimbawang P5M ang isa, makabibili tayo ng 60 units.

May 82 lalawigan naman sa buong Pilipinas.

Kung magdaragdag ang gobyerno ng kahit P110M  lamang para maging P410M ang halaga, meron nang tig-iisang firetruck ang bawat lalawigan.

Ngayon, kung daragdagan ang P300M ng P720M at P7-8 bilyon, aba, mabilis na makareresponde ang mga bumbero
sa sunog.

Pero ano ba itong ating kinukuwenta?

Pinagsasama-sama natin, mga Bro, ang pinagnanakaw ng mga animal na kawatan sa gobyerno.

Yang P300M ay ang tagong yaman ng isang heneral ng militar na minsang humawak sa pinansiya ng Armed Forces of the Philippines, at yang P720M ay ang ipinambili ng pekeng abono, at yang P7-8B ay ang tongpats sa ZTE-NBN deal.

Itong huli, bagama’t hindi natuloy ay napalitan naman daw ng kontrata sa minahan ng ginto sa Diwalwal.

Anak ng sanrekwang putakte, nadidisgrasya tayo sa iba’t ibang kalamidad o trahedya dahil sa pinaggagawa ng mga kawatan sa mahal kong Pinas.

Kung ginagamit lang ng mga tarantadong magnanakaw na ito ang salaping bayan para sa kapakanan ng mamamayan, kahit papaano ay mabilis na magresponde ang pamahalaan para sa kaligtasan sa oras ng trahedya o kalamidad.

Ngunit ang katotohanan ay kulang na kulang tayo ng mga kagamitan kaya lagi tayong nahuhuli at dinaratnan ng mga trahedya o disgrasya.

At kasalanan lahat ito ng mga korap.

oOo

PNoy, panahon na talaga na guluhin ang pagbubuhay hari ng mga kawatan sa gobyerno.

Kailangang pagbabawiin ang mga pinagnanakaw na pondong bayan ng mga korap.

Kung inililigtas man ang mga ito ng ilang naririyan sa hukuman, dapat tayong gumawa ng ibang paraan para makabawi ng mga nakaw na yaman.

Hindi dapat na palagpasin na lang o patawarin ang mga korap na yan.

Kung kinakailangan na sila ang pagsusunugin  bilang kaparusahan, dapat itong gawin upang hindi sila tularan ng iba.

Teka nga pala, PNoy, bakit hindi mo gisingin ang parusang bitay laban sa mga mandarambong at korap?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply