Mga kriminal palundagin na lang sa niyog at huwag isalbeyds

KAILAN kaya matatapos ang sakit sa ulo na mga street kriminal?

Walang sinasantong araw o okasyon ang mga mokong na ito.

Pasko o Banal na Araw, mas maigi para sa mga ito.

Ito’y dahil siksikan ang mga tao sa mga lansangan at pamilihan o kaya’y wala si Juan sa kanyang tahanan.

Strayk eniwher at enitaym ang mga ito.

Wala silang pakialam kung pinaghirapan man ng mga biktima ang kanilang kinukulimbat.

Totoo na may gumagawa  ng pagnanakaw ngunit pag-kapit lamang sa patalim ang kanilang ginagawa.

Pero marami sa mga kriminal na may malulusog na katawan at kayang magbanat ng buto ang mas gustong magsamantala sa iba para mabuhay.

Yung iba, meron nang ikinabubuhay pero talagang masiba.

Por eksampol dito ang mga kotong cops at kotongerong trapik enporser.

oOo

Ang daming dumarating sa atin na kaso ng isnatsing, holdap, pandurukot, akyat-bahay, kotong at iba pang anyo ng pagnanakaw.

Sa araw ng sahod noong Disyembre 15, sa bisperas ng Pasko at nitong Disyembre 25 mismo naganap ang napakaraming kaso.

Noong Disyembre 15, tsinambahan ng mga holdaper ang mga nag-uwi ng sahod plas 13th month pay.

Sa siksikan sa mga pamilihan noong bisperas at araw ng Pasko rin namiyesta ang mga lekat na kawatan.

Naitago naman ng iba ang kanilang kita pero nilimas naman ng mga akyat-bahay at salisi.

Yung mga drayber na nagnais na may pamasko sa pamamagitan ng pagsisipag sa pamamasada noong Disyembre 25, eh, kinuyog naman ng mga kotong cop at trapik enporser.

Walang hindi maiinis o mahahayblad sa gawain ng mga ito.

oOo

Siguro, enitaym ay makakikita o makababalita naman tayo ng mga basta na lang nakabulagta sa mga kalsada at kanal.

Yung iba, lulutang-lutang sa tabing-dagat o ilog.

Ang paniniwala riyan ay pinagsasalbeyds ang mga ito.

Sapagkat may tali sa mga kamay ang mga ito o kaya’y nakasilid sa sako.

Sila ba ang mga strit kriminal?

Maaari, maaaring hindi, depende sa mga naghahabol sa bangkay ng mga ito sa punerarya.

Pulis ba ang mga may gawa?

Ewan natin, wala namang umaamin sa kanila.

Hindi naman kasi sila pupuwedeng tortyurin para umamin, at saka bawal namang ang mag-tortyur.

Bibihira ang mga naituturo na salaring pulis.

Saka lang sila nakikilala kung milagrong nabubuhay ang mga sinasalbeyds.

Pero mga pulis lang ba ang pumuputol sa kalokohan ng mga kawatang ito?

oOo

Siguro, sa halip na isalbeyds ang mga ito, eh, pa-akyatin na lang sila sa puno ng niyog.

Doon hihingi sila ng kapatawaran sa Diyos sa kung ano-ano ang kanilang nagawa saka sila lumundag nang patiwarik.

Nangyari ito sa kababayan ni aydul boksing tsamp-Kongresman Manny Pacquiao na si Antonio Marco.

Hindi siya kawatan, pero nang lumundag siya, patay siya.

Diyan walang masisisi kundi ang sarili nila.

Pero sino kaya sa mga kriminal ang gagawa nito? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply