Mga pro at anti-RH bill magdadayalogo

UPANG matigil na ang bangayan ng mga mambabatas at ng Simbahang Katoliko sa isyu ng Reproductive Health Bill, binuo ni San Juan Rep. JV Ejercito ang isang grupo ng neophyte lawmakers upang makipagdayalogo sa grupong tutol sa naturang panukala.

Ang dayalogo sa December 14 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan ay dadaluhan ng mga opisyal ng Catholic Bishops conference of the Philippines at mga pro-RH lawmakers.

Aminado si Biliran Rep. Rogelio Espina, chairman ng House Committee on Population and Family Relations, na kailangan ang masusing dayalogo para malinawan ang mga samu’t saring isyu ukol sa panukala.

Anim na panukala sa ngayon ang nakabinbin sa kaniyang komite hinggil sa reproductive health policy. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply