Mga saranggola, papaliparin para sa climate justice

NAPIPIKON ka ba dahil ikaw ang naiinitan, nagkakasakit, o nahihirapan dahil sa dulot na perwisyo ng global warming na hindi naman ikaw ang may kasalanan?

Idaan ang inis sa pagpapalipad ng sarangola, bukas, Linggo, alas-singko ng hapon sa may Welcome Rotonda.

Dito magsasama-sama ang iba’it ibang grupo mula sa marginalized communities at civil society sa event na “Fly your Kite for Climate Justice.”

Patuloy na tumututol ang mga groupong ito sa operasyon ng mga coal-fired power plants sa bansa.

Ang mga high carbon dioxide-emitting power plant na ito na siyang pinagkukunan ng supply ng kuryente ay isa sa mga pangunahing sinisisi sa paglala ng climate change.

Bagamat may mga indigenous at clean energy sources ang bansa tulad ng natural gas at geothermal energy, hindi ito nabibigyan ng prayoridad ng gobyerno, ayon sa mga pro-environment non-government organization.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply