Mga suspek sa pekeng credit cards, nakalaya na

BILIB na sana ako sa grupo na pinamumunuan nitong si Pasay City chief of police Supt. Napoleon Cuaton dahil sa pagkakalambat nila sa sindikato ng pekeng credit cards na bumibiktima sa mga negosyante at iba pang nagmamay-ari ng iba’t ibang mga credit card.

Okey na sana dahil sa nahuli nila ang sindikato pati na ang mastermind na si Armand Moti na umano’y nakababatang kapatid ng isa sa makapangyarihan sa administrasyon ni Pasay City Mayor Tony Calixto.

Pero ang masakit, ilang oras lang daw ang itinagal sa presinto ng mga suspek dahil nakalaya rin ang mga ito sa tulong ng kapatid ng mastermind. Hinala nga ng mga biktima, ginamitan ng impluwensiya ng kapatid ng suspek kaya nakalaya ang suspek.

Ang isa pang kahina-hinala rito ay kung bakit napakagaan daw ang ipinataw na kaso ganung puwede naman na kasuhan ito ng “large scale estafa.” Kaya mabilis na nakalabas ang suspek  pati na ang mga kasamahan nito sa sindikato.

Kinuwestiyon din ng mga biktima kung bakit pumayag ang Pasay City Prosecutor’s Office na maisampa ang kaso laban sa mga suspek na hindi man lamang naiharap ang mga ito sa piskalya.

Mantakin ninyo, ang kasong isinampa ng pulisya ay “file at large” na basta na lamang isinampa ng pulisya nang hindi man lamang naisailalim sa mas malalim na imbestigasyon at naging  dahilan kung bakit pinahintulutan ng Pasay City Prosecutor’s Office na makapagpiyansa ang mga suspek.

INUTIL ANG PD NG LAGUNA SA SUGAL

Patuloy pa rin ang ope-ration ng mga VK nina Boy Decena at Mon sa Biñan Laguna, Bombay sa San Pablo at Umbay Putol naman sa Sta. Cruz, Laguna.

Inutil si Laguna PD Supt. Gilbert Cruz sa pagsugpo sa sugalan sa Laguna!!! Ok kasi si Vic Barrion sa pangongolekta.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 091892747-64, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply