Modernisasyon ng Pagcor-Airport Casino nakalinya

MAGKAKAROON ng malaking pagbabago sa pamunuan ng Airport Casino Filpino ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa loob ng anim na buwan bunga ng nakalinyang modernisasyon ng mga makina, iba pang gimik at benepisyong makakamit ng mga tatangkilik  sa itinuturing na pinakamalaking casino sa Parañaque City.

Ayon kay Jose Tulio, General Manager ng casino, lahat ng kanilang makina ay kanila nang papalitan ng mas moderno bukod sa magkakaloob sila ng higit na malaking premyo matapos aprubahan ng pamunuan ng Pagcor ang kanilang inilatag na pagbabago.

Hindi lamang aniya nakatuon sa “game of chance” ang malaking pagbabagong  isasagawa ng Airport Casino kundi higit sa lahat ay ang pagbibigay kasiyahan o “entertainment” sa mga tumatangkilik.

Aminado si Tulio na nakaapekto sa kanila ng malaki ang pagbubukas ng ilang mga malalaki at modernong casino sa karatig lungsod kaya kinakailangan nilang gumawa ng mga hakbang upang mahigitan ang mga kakompetensiya at maibalik muli ang dating sigla ng kanilang casino.

Idinugtong pa ni Tulio sa oras na mapalitan na ang kanilang mga makina, mamamahagi na rin sila sa mga customer ng cards na kanila na lamang gagamitin sa paglalaro sa mga modernong makina at magkakaroon na rin ng roving teller upang hindi na pumipila pa sa cashier ang mga nagka-cash out na parokyano.

Bilang panimula, kamakalawa ng hapon ay pinasinayaan ang pinaganda at bagong kumpuning lobby ng naturang casino kung saan dumalo ang matataas ng opisyal ng Pagcor sa pangunguna ni Chairman Cristino Naguiat, Jr, President at Chief Operating Officer Atty. Jorge Sarmiento, Corporate Communications Department chief Maricar Bautista at iba pa.    Johnny Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply